Wednesday, September 23, 2009

Buhay ng Isang Ghostwriter

Mahirap maging ghostwriter. Kailangan mong mag-internalize ng husto at mag-isip kagaya ng pag-iisip ng taong ipinagsusulat mo. Madalas, kailangan mong titigan ng husto ang isang salita at pakaisipin kung gagamitin nya yun o hindi kung sya ang nagsusulat. Mas mahirap kung dalawa silang ipinagsusulat mo, magkatabi ang kanilang kolum at iisa lang ang tema na gusto nila pero magkasalungat ang kanilang paniniwala.

Minsan naman, kahit ilang oras ka nang nakatingala sa kisame, di mo masimulan ang isusulat mo kasi di mo feel ang gusto nilang maisulat o di kaya hindi mo makumbinsi ang puso mo sa gustong isulat ng isip mo. Kaya lang, binabayaran ka para magsulat sa pangalan nila kaya dapat kutsabahin mo ang butiki sa kisame para magkaroon ka ng isang magandang essay, speech, report, presentation at kung anu-ano pa.

Actually, kapag nasimulan na, madali na lang itong pahabain. Ang kasunod na problema, kung paano naman ito bibigyan ng isang maganda at makabuluhang ending. Kagaya ngayon, break muna ako sa pagsusulat para gawin ang blog na ito. Hindi ko kasi maisara ang isang article na ginagawa ko para sa kanya. Baka kailangang tigilan ko muna ang pagtitig sa kisame.

Oo nga pala, ako mismo ang nagsusulat para sa blog na ito. Wala po akong ghostwriter. :)

No comments:

Post a Comment