Sunday, September 27, 2009

After Ondoy


I have been in Metro Manila the past twenty years. I've been stuck in its horrendous traffic for hours, I've witnessed its worst road accidents, I've groped my way in the dark in its large-scale blackouts, I've waded through its waist-deep floods, I've seen it battered by typhoon one after the other, but I have never seen it the way it is now after Ondoy. A large part of the metro submerged in flood, many dying from drowning, cold and hunger, people on top of the roof for days waiting to be rescued, people on life vests and rubber boats, people swimming to dry land for dear life, cars floating, cars on top of another, shanties destroyed and uprooted - this metro is just one big total mess after Ondoy.



But after Ondoy comes a display of Filipino oneness- the rescue efforts by several groups, fund raising by different organizations, the mobilization of donations by ordinary citizens and netizens. It is very heartwarming to see people showing their care for people they don't even know or may never meet in their lifetime.


Ondoy may have destroyed our appliances and furniture, our houses and cars, our roads and bridges, but it was not able to destroy the strength and optimism that reside in every Filipino. I know the Philippines will rise after Ondoy. The best of Filipino surfaces after the worst tragedy. Stay strong, Pinoy!

Thursday, September 24, 2009

Ten Random Things About Me

1. I was born in Mindoro, grew up in Cotabato, and am now settled in Bulacan.

2. I can't swim. Feeling ko, ang ikamamatay ko ay pagkalunod.

3. I don't drive. I mean, I don't know how to drive. Ilang beses nang nag-attempt ang asawa ko na turuan ako pero hindi ako natuto. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mag-shift ng gear at kung kailan dapat i-shift. Saka mas masarap na ipinagda-drive kesa ikaw ang driver. Wish ko lang walang mangyaring emergency sa kahit saan man na maaring makapagsalba ako ng buhay kung marunong lang akong mag-drive.

4. I fear heights. Minsan, napilit ako at nagkalakas loob akong sumakay sa ferris wheel sa Enchanted Kingdom pero sa loob ng mga napakahabang minutong yun, nakapikit ang mga mata ko.

5. Wala akong credit card dahil ako ay isang impulsive shopper. Minsan akong nagka-credit card pero laging sagad sa credit limit at laging naghihingalo ang aking bulsa sa pagbabayad. Matapos akong isalba ng mister ko sa pang-haharass ng mga kolektor ng credit card, tinigilan ko na. Buhay pa naman ako hanggang ngayon. Pwede naman palang walang credit card sa buhay ko.

6. Kung meron akong isang bagay na pinagsisihan, iyon ay ang hindi ko pagsisimula ng maaga para marating ang mga dapat at posible kong marating.

7. Kaya kong mawala lahat sa akin - trabaho, pangarap, kaibigan, kayamanan (kung meron man ako nun), buhay ko - pero di ko kakayanin na mawala sa akin ang pamilya ko. Ayokong pinapanood si Jessica Soho sa Reunion sa Channel 11. Masyadong mabigat sa dibdib ang kwento ng mga magkakapamilyang nagkakahiwalay at kung saan-saan napupunta ang mga anak. Kapag may balita tungkol sa mga batang nire-reyp, pinapatay o pinagmamalupitan, sobrang affected ako.

8. I always tell the people I love that I love them and I love them so much. Baka kasi magsisisi ako na hindi ko man lang naipaalam sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

9. Friendship for me is a sacred word. Kung kabatian lang kita, hindi ka pasok sa definition ko ng friend. Kung nakakausap lang kita dahil sa trabaho, hindi ka pasok sa definition ko ng friend. Kung minsan ay nakakasama kita sa gimik, hindi ibig sabihin nun friends na tayo. Kung malimit tayong magkausap para pagtsismisan ang buhay ng ibang tao, hindi ibig sabihin nun friends tayo. Mas malalim dun ang definition ko ng friend at napakakonti lang ng nagka-qualify. Kaya nung minsang nasaktan ako ng isang tao na itinuring kong friend, sobrang sakit. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit kahit pitong taon na ang nakakalipas.

10. Hindi ako naniniwala na true love is love without any condition. Divine love yun. The last time I checked, tao pa rin naman ako kaya ok lang sigurong magmahal na may kondisyon. At malinaw ang kondisyon ko sa asawa ko: mahal kita pero dapat ako lang. Kung meron ka pang iba, mamili ka: ako o siya. So far, after 14 years, kami pa rin naman ang magkasama. Alin sa tatlo - wala syang iba, o meron pero ako ang pinili nya o di ko pa alam na meron syang iba kaya di pa nya kelangang mamili. :D

Wednesday, September 23, 2009

Buhay ng Isang Ghostwriter

Mahirap maging ghostwriter. Kailangan mong mag-internalize ng husto at mag-isip kagaya ng pag-iisip ng taong ipinagsusulat mo. Madalas, kailangan mong titigan ng husto ang isang salita at pakaisipin kung gagamitin nya yun o hindi kung sya ang nagsusulat. Mas mahirap kung dalawa silang ipinagsusulat mo, magkatabi ang kanilang kolum at iisa lang ang tema na gusto nila pero magkasalungat ang kanilang paniniwala.

Minsan naman, kahit ilang oras ka nang nakatingala sa kisame, di mo masimulan ang isusulat mo kasi di mo feel ang gusto nilang maisulat o di kaya hindi mo makumbinsi ang puso mo sa gustong isulat ng isip mo. Kaya lang, binabayaran ka para magsulat sa pangalan nila kaya dapat kutsabahin mo ang butiki sa kisame para magkaroon ka ng isang magandang essay, speech, report, presentation at kung anu-ano pa.

Actually, kapag nasimulan na, madali na lang itong pahabain. Ang kasunod na problema, kung paano naman ito bibigyan ng isang maganda at makabuluhang ending. Kagaya ngayon, break muna ako sa pagsusulat para gawin ang blog na ito. Hindi ko kasi maisara ang isang article na ginagawa ko para sa kanya. Baka kailangang tigilan ko muna ang pagtitig sa kisame.

Oo nga pala, ako mismo ang nagsusulat para sa blog na ito. Wala po akong ghostwriter. :)